Personal Development, Business, Finance, and Investing for Everyone
An investment in knowledge always pays the best interest.
If you make financial decisions with immaturity, you will be broke your whole life. Nillionaire is a blending of nil and millionaire. Nil, from Latin, means nothing. Millionaire implies great wealth. The term “nillionaire” refers to a person who does not have money of their own. In short, "being financially broke." Hustle or be broke? Choice mo iyan! Sino nga ba sa atin ang may nais na walang madukot sa panahon ng pangangailangan? Pero bakit nga ba karamihan sa atin ay walang naiipon o nahihirapan makapag-ipon? Alam mo ba kung bakit? Dahil sa kakulangan sa kaalaman sa kahalagahan ng pera at tamang paggamit nito. Change your mindset! Lahat ng bagay at sitwasyon ay nagsisimula sa ating pananaw at kung papaano natin tutugunan ang lahat ng ito. Narito ang ilang simple ngunit mabisang paraan upang makapag-ipon ng pera. Simpleng Tips Para Makaipon Ng Pera Ilista Ang Lahat Ng Nagagastos Maaari mong ilista sa isang notebook o puwede ka ding gumamit ng Excel Application sa computer upang sa ganun ay na-mo-monitor mo ang mga nagagastos mo sa loob ng isang araw, linggo o buwan. Malaki din ang maitutulong nito sa pag-budget ng iyong mga gastusin. Magkaroon Ng Budget Napakahalaga ng budgeting lalo na sa isang pamilya. Maglaan ng kalakip na porsyento para sa mga gastusin. Alamin ang Wants (luho o happiness) at Needs (karaniwang pangangailangan sa buhay gaya ng pagkain). Maaari kang gumamit ng ilang paraan kagaya na lamang ng Envelope System kung saan hahatiin ang bawat porsyento ng pera at lalagyan ng label kung para saan ito nakalaan. Magbaon Ng Pagkain At Tubig Karamihan sa atin ay napre-pressure sa lifestyle ng ibang tao kaya sinasabayan nila ito kahit wala nang madukot sa bulsa. Huwag kang mahiya sa kung ano man ang isipin o sabihin nila. Huwag ka mahiyang magbaon ng pagkain. Alam mo ba na mas malaki ang matitipid mo kung ikaw ay magbabaon na lamang ng pagkain sa school o sa trabaho? At alam mo ba na mas healthy ang mga lutong pagkain kaysa sa mga nabibili lamang kung saan-saan? Magtipid Sa Kuryente Sa Bahay Gaya nang paulit-ulit na paalala sa isang TV Commercial ng Meralco, bunutin sa pagkakasaksak ang appliances na hindi naman ginagamit dahil kumukunsumo pa din ito ng kuryente. At sa tuwing magpla-plantsa naman, huwag sabayan ito ng ibang appliances at kung maaari ay mag-plantsa sa gabi kung saan malamig ang panahon. Bumili Lamang Ng Mga Kailangan
Alamin ang Wants at Needs. Kung hindi naman kailangan ay maaaring huwag mo na itong bilhin dahil baka ibenta mo din ito balang araw. Bawasan Ang Mga Bisyo Bawasan at kung maaari ay iwasan mo na ang mga masasamang bisyo kagaya ng paglalasing at paninigarilyo. Hindi lamang kalusugan mo ang bubuti maging ang iyong pitaka at bulsa. Laging Magtabi Ng 10% - 20% Kita Para Sa Ipon Ang nasabing porsyento ay naka-depende sa iyo kung gaano ka kasinop sa pera. Ang mahalaga kasi ay meron kang naiitabi gaano man ito kaliit o kalaki. At laging tandaan ang Wealth Formulas na ito: INCOME - SAVINGS = EXPENSES INCOME - SAVINGS and INVESTMENTS = EXPENSES INCOME - SAVINGS AND TITHES = EXPENSES o kaya ito INCOME - SAVINGS and INVESTMENTS and TITHES= EXPENSES ito ang aking formula, Oo naglalaan ako ng pondo para sa church at foundation. Share your blessing! Huwag Umutang O Gumamit Ng Maraming Credit Cards Hangga't maaari ay iwasan ang pag-utang. Kung hindi mo kaya ay huwag mong bilhin bagkus pagsikapan at pag-ipunan mo. Hindi naman masama ang gumamit ng credit card ngunit kung hindi mo alam ang tamang paggamit nito ay maaaring ito ang magbaon at magdala sa iyo sa pagkakautang. Maglaan Ng Pera Para Sa Tithes/Offering Sa Panginoon The one who blesses others is abundantly blessed; those who help others are helped. Kindly read Malachi 3:10. Kapag Nakaipon Na, Mag-negosyo o Mag-invest upang Mapalago Ang Pera Huwag lang puro save ng pera sa banko dahil kakainin lamang ito ng inflation, akala mo secured na ang pera mo ngunit hindi. Matutong mag-invest o mag-negosyo upang sa ganun ay ma-protektahan at mapalago mo ang iyong pera.
0 Comments
Leave a Reply. |
PLACE YOUR ADS HERE YOUR PAYDAY REMINDER FEATURED PARTNER FEATURED PROMOTIONS FEATURED MENTIONS PLACE YOUR ADS HERE PLACE YOUR ADS HERE For more updates about Personal Development, Financial and Investment Education. Join and Subscribe to my Newsletter. It's FREE! ABOUT THE BLOGGERHi, I'm Ralph Gregore Masalihit! An RFP Graduate (Registered Financial Planner Institute - Philippines). A Personal Finance Advocate. An I.T. by Profession. An Investor. Business Minded. An Introvert. A Photography Enthusiast. A Travel and Personal Finance Blogger (Lakbay Diwa and Kuripot Pinoy). Currently, I'm working my way toward time and financial freedom. PLACE YOUR ADS HERE Follow me on |