Personal Development, Business, Finance, and Investing for Everyone
An investment in knowledge always pays the best interest.
Thomas Jefferson said, "Never spend your money before you have it."
"Habang paliit nang paliit ang kita ko, palaki naman nang palaki ang mga bayarin. Hindi ako nakakapagkakatulog sa gabi sa kaiisip kung paano ko tutustusan ang pamilya ko." - James.
"Para akong lumulubog sa kumunoy at hindi na makaahon." - Sheri. Katulad ka din ba nila James at Sheri na tila pasan-pasan ang mundo dahil sa problemang pinansyal? Sa hirap ng buhay, pangkaraniwan na lang ang ganitong mga sentimyento. Ngunit paano nga ba makakatakas sa ganitong problema? Trust God. Have faith in God. Remember, He will supply All your needs.
Nagbibigay and Diyos ng karunungang kailangan natin sa panahong mahirap ang buhay.
Kung Paano Haharapin ang Hirap ng Buhay: Maging masikap. Tuusin ang gastusin bago bumili. Umiwas sa bisyo. Iwasan ang "pag-ibig sa salapi." Maging kontento. Kung Paano Makakatipid: Pamimili: Gumawa ng listahan. Iwasang maging padalus-dalos sa pagbili. Mag-kambas. Gamitin ang mga kupon at rebates. Bumili ng mga kailangan mong gamit kapag sale o hindi mabili ang mga ito. Kung posible, bumili nang maramihan. Gastusin sa bahay: Magbayad sa oras para makaiwas sa dagdag na singil. Magluto sa halip na kumain sa labas, at maging katamtaman sa pagkain at pag-inom ng alak. Patayin ang ilaw at iba pang appliance kapag hindi ginagamit. Hangga't maaari, gumamit ng mga kagamitang matipid sa kuryente. Lagyan ng insulasyon ang iyong bahay. Baka makabubuti ring lumipat sa mas maliit na bahay. Transportasyon: Mamasahe, maglakad, o magbisikleta. Kung bibili ka ng sasakyan, pumili ng matibay at matipid sa gas. Hindi naman ito kailangang bago. Kung posible, magsakay ng iba. Gawing isahan na lang ang lakad kung maraming pupuntahan. Magbakasyon kapag mura ang pamasahe at sa lugar na hindi masyadong malayo. Telepono at paglilibang: Pareho mo bang kailangan ang telepono at cellphone? Kung may cellphone ang iyong anak, maaari ba nilang bawasan ang paggamit nito, o baka naman puwedeng hindi na sila mag-cellphone? Kung naka-cable kayo, puwede bang bawasan ang channel? Manghiram ng aklat sa aklatan at umarkila ng pelikula sa halip na bumili.
0 Comments
Leave a Reply. |
PLACE YOUR ADS HERE YOUR PAYDAY REMINDER FEATURED PARTNER FEATURED PROMOTIONS FEATURED MENTIONS PLACE YOUR ADS HERE PLACE YOUR ADS HERE For more updates about Personal Development, Financial and Investment Education. Join and Subscribe to my Newsletter. It's FREE! ABOUT THE BLOGGERHi, I'm Ralph Gregore Masalihit! An RFP Graduate (Registered Financial Planner Institute - Philippines). A Personal Finance Advocate. An I.T. by Profession. An Investor. Business Minded. An Introvert. A Photography Enthusiast. A Travel and Personal Finance Blogger (Lakbay Diwa and Kuripot Pinoy). Currently, I'm working my way toward time and financial freedom. PLACE YOUR ADS HERE Follow me on |