Personal Development, Business, Finance, and Investing for Everyone
An investment in knowledge always pays the best interest.
Updated (February 6, 2020) Those who don't manage their money will always work for those who do. The only person who will take care of the Older You someday is the Younger You are today. Ano ang Modified Pag-IBIG II (MP2)? Ang modified Pag-IBIG ay isang boluntaryong programa ng pag-iimpok na nagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng Pag-IBIG na kumita ng mas mataas na dibidendo (dividends) mula sa kanilang inimpok sa loob lamang ng limang (5) taon. Sino ang puwedeng sumali sa programa? Bukas ang programa sa lahat ng miyembro na kasali sa Pag-IBIG I o regular membership na kumikita ng mahigit limang libo kada buwan. Kasama sa programa ang mga OFW-member ng Pag-IBIG. Magkano ang ihuhulog ko sa ilalim ng Modified Pag-IBIG II Program? Maghuhulog ka ng Php 500 kada buwan. Maaari ka ding maghulog ng mas mataas sa Php 500 kung gusto mo ng mas malaking impok. Ano ang dividend rate ng inimpok ko sa ilalim ng Modified Pag-IBIG II? Mas mataas ang dibidendong (dividend) ibinibigay sa ilalim ng nasabing programa kumpara sa dibidendo sa ilalim ng regular member program o Pag-IBIG I. Halimbawa, noong Abril 2010, itinakda sa 5.5% ang dividend rate para sa Modified Pag-IBIG II at 5% naman para sa Pag-IBIG I. Tax-free at garantisado ng pamahalaan ang impok ng miyembro kasama ang dibidendo (dividend). Kailan ko maaaring ma-withdraw ang aking inimpok sa Modified Pag-IBIG II Program? Maaari mong ma-withdraw ang inimpok mo kasama ang dibidendo pagkatapos ng limang taon. Puwede ring ma-withdraw ang iyong ipon bago matapos ang limang taon sa mga sumusunod na dahilan:
Anong mangyayari pag nag-mature na ang akin membership sa Modified Pag-IBIG II at hindi ko nakuha ang akin inimpok? Patuloy namang kikita ng dibidendo (dividend) ang iyong impok sa loob ng dalawang taon matapos ang maturity. Yun lamang, ibabase na sa rate na idedeklara sa ilalim ng Pag-IBIG I ang dibidendo (dividend). Pagkatapos ng dalawang taon, hindi na kikita ng dibidendo ang iyong impok. Puwede ko pa bang ituloy ang paghuhulog pagkatapos ng limang taon? Oo. Maaari mong ipagpatuloy ang iyong membership sa programa sa loob ng panibagong limang taon. Ipaalam lamang sa Pag-IBIG ang intensyong magpatuloy sa programa. Maaari ba akong magpa-rehistro sa Modified Pag-IBIG II kung hindi ako miyembro ng Pag-IBIG I? Hindi. Kailangang miyembro ka muna ng Pag-IBIG I bago ka magpa-rehistro sa Modified Pag-IBIG II. Kung ikaw ay Pag-IBIG member na, kailangan mong panatilihin ang iyong membership sa Pag-IBIG I kung gusto mong magpa-rehistro sa Modified Pag-IBIG II. Maaari ba akong makinabang sa mga loan kung miyembro ako ng Modified Pag-IBIG II Program? Hindi. Ang Modified Pag-IBIG II ay isang programa para lamang sa pag-iimpok kaya hindi ka maaaring mag-avail ng anumang loan base sa membership mo sa programang ito. Ngunit puwede ka naman mangutang para sa emergencies sa ilalim ng Multi-Purpose Loan program o para sa pabahay kung aktibong miyembro ka ng Pag-IBIG I at kung natugunan mo ang lahat ng eligibility criteria. Saan at Paano ako makakapag-rehistro para MP2 Program? A. MP2 Registration Online
B. Personal na magtungo (Employee assisted) sa Pag-IBIG Branch (magdala ng valid ID)
Note: Maaaring i-download ang Application Form para sa MP2 Program at para sa iba pang requirements. Maaari ding i-download ang aking MP2 Calculator dito.
2 Comments
Hi Karla, bukas ang programa sa lahat ng miyembro na kasali sa Pag-IBIG I o regular membership na kumikita ng mahigit limang libo kada buwan. Kasama sa programa ang mga OFW-member ng Pag-IBIG.
Reply
Leave a Reply. |
PLACE YOUR ADS HERE YOUR PAYDAY REMINDER FEATURED PARTNER FEATURED PROMOTIONS FEATURED MENTIONS PLACE YOUR ADS HERE PLACE YOUR ADS HERE For more updates about Personal Development, Financial and Investment Education. Join and Subscribe to my Newsletter. It's FREE! ABOUT THE BLOGGERHi, I'm Ralph Gregore Masalihit! An RFP Graduate (Registered Financial Planner Institute - Philippines). A Personal Finance Advocate. An I.T. by Profession. An Investor. Business Minded. An Introvert. A Photography Enthusiast. A Travel and Personal Finance Blogger (Lakbay Diwa and Kuripot Pinoy). Currently, I'm working my way toward time and financial freedom. PLACE YOUR ADS HERE Follow me on |