Personal Development, Finance and Investing For Filipinos
An investment in knowledge always pays the best interest. Financial Education is your best investment.
Money makes the world go round, isang malaking katotohanan kung ating iisipin. Ngunit gaano nga ba kahalaga ang pera? Ano ba ang tunay na halaga ng pera o barya? Ito ba talaga ang batayan ng estado ng pamumuhay sa ngayon? Kung meron ka nito nasa itaas ka, kung wala ka nito nasa ibaba ka? Tama nga ba?
Noong unang panahon hindi pa daw uso ang pera kundi kalakalan o palitan ng mga bagay o gamit ang paraan ng negosasyon, kabilang na dito ang pagkain at damit. Noon wala pang saktong batayan sa halaga ng bagay kaya mapayapa ang negosasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang panig. Ngunit buhat ng modernong panahon at talino ng tao na kakayahang makapag-isip, lumikha sila ng alternatibo o permanenteng paraan para sa pangangalakal at ito nga ang pera o barya.
Sa makabagong panahon sa ngayon, ang lahat ng bagay o halos lahat ng bagay ay nakabalikat na sa pera. Kung ating iisipin napakahalaga ng pera sa panahon ngayon. Sa iyong palagay, Pera na nga ba ang natatanging bagay na nagpapagalaw sa mundo sa ngayon?
Pera ang pangunahing problema o prinoproblema ng mga tao sa ngayon lalo na ng mga mahihirap sa lipunan. Sabi nga ng mga matatanda, kapag wala kang pera sa ngayon, mamatay ka ng dilat. Oo nga naman, kung may pera ka lahat ng naisin at gustuhin mo ay madali mong makakamtan. Kaya masasabing napakahalaga ng pera sa ngayon at sa kabilang banda napakahirap kumayod para magkaroon ka nito. Ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay walang pakialam sa halaga nito yun bang tipo na One Day Millionaire, waldas dito waldas doon. Aminin man natin o sa hindi karamihan sa atin ay hindi marunong humawak ng pera pagdating sa budgeting. Paano nga ba ang tamang budgeting ng pera? Ang sabi ng Professor ko sa kolehiyo, ang tamang budgeting daw ay 10-20-70. Ito daw ang tamang paraan sa paghati ng iyong pera mula sa iyong sariling sahod. 10% ng iyong kita ay para sa donasyon sa simbahan o ano mang organisasyon na kinakabilangan mo, 20% ng iyong kita ay para sa savings mo na huwag mong gagalawin at yung natirang 70% na parte ng kita mo ay para naman sa expenses o sa lahat ng iyong gastusin. Kung hindi ka naman nag-dodonate sa anumang organisasyon o maging sa simbahan, maari mong gawing 30% ang parte ng iyong savings. Kung iyong papansin napakalaki ng porsyento ang nakalaan para sa expenses, Oo dahil sa katotohanan madami talaga tayong gastusin lalo na sa panahon ngayon.
Ating tandaan na ang pera ay isang bagay lamang na kung saan ito ay isa sa mga kinakailangan natin upang masustentuhan ang ating pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi masama ang pera, ang nagiging masama lamang ay yung humahawak nito. Kung ang pera ay gagamitin mo sa kabutihan ay maganda ang maidudulot nito sa iyo o sa iba. Sa kabilang banda, kung ang pera naman ay gagamitin mo sa kasamaan, magiging instrumento nga ito sa masamang bagay.
Kung ating iisipin madaming nagagawa ang pera, maaring sa kasamaan o sa kabutihan. Sana huwag tayo magpadala sa silaw na dala ng pera na maaaring ikabunga ng kasamaan. Sa kabila naman nito, matuto din tayong magtipid at magpahalaga sa bawat pera, barya o sentimo na nasa ating bulsa. Tandaan madaming nagugutom kaya dapat kang magpakahalaga at magtipid hangga't maari. Original posted in Lakbay Diwa Image Source: publicdomainpictures.net
0 Comments
Leave a Reply. |
ADVERTISEMENT YOUR PAYDAY REMINDER FEATURED PARTNER FEATURED PROMOTIONS PLACE YOUR ADS HERE ADVERTISEMENT For more updates about Personal Development, Financial and Investment Education. Join and Subscribe to my Newsletter. It's FREE! ABOUT THE BLOGGERHi, I'm Ralph Gregore Masalihit! An RFP Graduate (Registered Financial Planner Institute - Philippines). A Personal Finance Advocate. An I.T. by Profession. An Investor. Business Minded. An Introvert. A Photography Enthusiast. A Travel and Personal Finance Blogger (Lakbay Diwa and Kuripot Pinoy). Currently, I'm working my way toward time and financial freedom. ADVERTISEMENT Categories
All
Archives
January 2021
PLACE YOUR ADS HERE |